Old Flame
Tuesday, August 31, 2010
"Tropa musta....???"
That message popped up while I'm busy checking my Facebook updates.
That message popped up while I'm busy checking my Facebook updates.
Finally, ang pag-aabang ko ng matagal sa kanya na gumawa ng account ay unti unti ng nagkakabunga. It was a message from a person that's close to my heart, in fact the first one who broke it.
Si Alamid, ang first love ko ang nag-chat.
Aminado ako, my heart stopped a bit. Na-surprise ako sa chat nya since we didn't talk (in any form) for God-knows-when. Pero, he still has the same effect on me. Iba yata talaga kapag first love. Kahit gaano karaming taon na ang lumipas, meron na talagang silang lugar sa puso mo.
Sa totoo lang, naasar ako sa bati niya sa akin hindi ko alam kung hindi ko matanggap dahil ang jologs or sadyang ayokong ituring nya akong tropa. Siguro kong tinawag niya ako "Mars" baka natanggap ko pa. Pero yung "tropa" word, hindi ko mabili!
Nang maka-recover ako sa bati niya ay agad ko siyang sinagot. "Kung maka tropa ka naman dyan!" puna ko.
"I'm okay Alamid, and you?" dugtong ko.
Just like what is expected sa mga magkakaibigang nawalay ng matagal, konting kamustahan, chismisan, balitaan at siyempre hindi maalis sa amin ang konting harutan at biruan.
Bumalik sa akin ang gabing huling nag-away kaming dalawa. Ang gabing official naming tinuldukan ang aming love team.

Alas dos y media ng gabi (katulad ng ating nakagawian) tumawag ka. Nagkandarapa pa ako umuwi galing sa bahay ng classmate ko na lasing at bangag para lang masiguradong naroroon ako kapag tumawag ka. Wala kang celphone, wala ka rin lagi sa bahay nyo. Kung san ka abutan doon mo ako tinatawagan, madalas sa bilyarang tinatambayan nyo ng mga kaibigan mo. At kahit may pasok ako kinabukasan, gumigising ako para lang may "moment" ako sa'yo kahit sa telepono lang.
Papunta kang Zambales at gusto mong magpaalam na hindi ka makakatawag sa mga susunod na araw. Nagpapaalam ka dahil hindi mo alam kung hanggang kailan ka mawawala. Sa totoo lang, hindi ko maintindihan masyado ang iba natin usapan, hindi rin kais ako seryoso. Noong gabing iyon marami akong nainom at unang beses kong nakatikim ng MJ. Ang malinaw lang ay ma pagka-lutang ang isip ko.
Ang naalala ko ay nagkaroon tayo ng konting biruan na nahantong sa diskusyon, naiinis ka dahil feeling mo di ko sineryoso ang sinasabi mo. Inaaway kita kasi ayaw kong umalis ka. Nagmamadali ka dahil papaalis na kayo at anytime soon ay tatawagin ka na para umalis. Kumbaga sa magulang hinihintay mo ang approval ko para makaalis ka ng mapayapa. Yes, hindi ko maituring ang sarili kong lover mo kahit ibang level ang closeness natin.
I know I was teasing you..... a lot! Malakas ang loob ko dahil sa halo halong tama. na taglay ko Not only I'm not being serious but I was also putting words into your mouth. I was putting you under my mantra. Gusto kong magkatapatan na tayo, pero gusto ko mauna ka.
Dahil sa pangungulit ko sayo at pagbibingi bingihan ko sa thought na aalis ka at mamimiss kita. Kinagat mo ang pain ko,
"Eh, ano ba ako sa'yo?" ang mahina at seryoso mong tanong.
Natigilan ako, kahit ito ang tinutumbok ng pang-aasar ko sayo hindi pa rin ako naging handa. Hindi ko inakala na bibigay ka ng gabing yun. Hindi ako nakakibo, nadidinig ko ang buga mo ng sigarilyo. Mga halos 30 segundo rin ako nagkasya sa katahimikan sa ating mga linya.
Pinutol mo ang iyong pananahimik, "Ano nga ako sa'yo?!!" pag-uulit mo at mas matigas mong binigkas. Parang si Max Alvarado na nagppapa-sweet ang tono mo. Ngayon, dama ko na ang pagkairita sa boses.
Lalo akong natigilan, unti-unti akong pinawisan nawawala na yata ang tama ko. Pero sinabi ko sa sarili ko na hindi mo ako masasaktan at hindi ako aamin sa nararamdaman ko sayo. Hindi pa ako handa ng panahon na yun. Wala pa akong lakas ng loob kung sakaling sasaktan mo lang ako. Kahit na maraming beses mo na akong pinaiyak noon pa man.
"Ikaw? You're just a friend, just like everyone else...." Ang tugon ko, na tinapos ko sa isang malaking buntong hininga.
Agad mo akong pinutol "Ahh.. ganun ba? O sige aalis na ako..." Sinigurado mong mararamdaman ko ang pagiging sarksatiko ng sagot mo sa tono ng iyong pananalita.
Alam kong gusto mo ng ibaba ang telepono pero pinipigil kita. Gusto kong bawiin ang sinabi ko. This time, handa na akong umamin at kainin ang mga sinabi ko pati pride ko. Naalala kong bakla nga lang pala ako, hindi bagay magmaganda tulad ng isang tunay na babae. Kung magpakababa ang tamang salita, nung mga minutong yun handa na ako magpakababa.

Pero tuluyan ng nawala ka sa mood at binabaan mo ako ng telepono. Hindi mo na ako binigyan ng pagkakataong bawiin ang sinabi ko. Mula noon wala na rin ang als dos y media habit ko with you.
Yun na rin pala ang huling usap natin sa telepono.
Yun na rin pala ang huling usap natin sa telepono.
"Nandyan ka pa?" Usisa nya. Napansin niya sigurong natagalan ang sagot ko.
"Yes! So, going straight ka na ba dyan? I mean like all out family man na ba?" mabilis kong tugon. Going deeper ang kamustahan, kilala ko kasing happy go lucky si Alamid at bukod pa dun may pagka-playboy.
"Hindi ah." Maikling sagot niya.
Naintriga ako, akala ko kasi okay na ang buhay niya with his kids, nakita ko kasi yung photos na pinost nya with them. "Bakit naman? Eh anong gingawa mo? Buhay binata pa rin?" ang nagmamadali kong chat sa kanya.
Pero sadyang tinititipid nya ang sagot sa mga tanong ko.
"Wala lng...." ang sabi niya.
Naramdaman kong ayaw niyang pag-usapan ang buhay niya. Siya pa rin ang dating Alamid na nakilala ko. Napaisip ako uli. Napa-reminisce uli ng mga eksena namin noon. Hindi ko na rin kasi ang susunod kong sasabihin, hindi ko ma-i-segue sa ibang usapan.
Matagal ang naging katahimikan. Pinagmamasdan ko ang "chat balloon" sa window niya. Isang indikasyon na nagsusulat sya.
Biglang naging pula ang pangalan niya. Agad kong binuksan.
"Gaga.. Hindi tayo talo. Tropa tayo." Ang hindi ko alam kung saan nanggaling na mga salita buhat sa kanya.

Nagulat ako! Bakit naman ganoon ang chat niya out of nowhere? It's clear to me, I didn't try to send a message that I still want him nor I'm still interested. I asked those question because I was just curious. Tagal na rin nang huli kaming nagkabalitaan.
Kahit na nawiwindang ako at dahil sa likas akong maldita sumagot ako kaagad, "Saan naman galing yan?"
"Hindi tayo tropa tandaan mo yan. Alam mong hindi tayo tropa. " Pagsusungit ko.
Katulad dati mabilis ko pa rin syang mainis sa pang-aasar ko. Konting palitan pa ng mensahe about sa pagiging tropa at kung saan nag-ugat ang usaping 'to. Iniisip ko ayaw nya lang pag usapan namin ang buhay tatay nya kaya iniba nya ang usapan. Lalo ko siyang inasar, nagpatuloy ako sa pagpatol sa statement niyang nagsasabing tropa kami at kung paano ko barahin na hindi kami pwedeng maging tropa.

"Yabang mo! Ignore mo na ako from now on, hindi tayo tropa eh. Yeah! Sabi mo di ba?!?" Dama ko ang pagkaasar nya sa mga sinasabi ko. Hindi ko lang ma-imagine kung ganun pa rin ang mukha nya kapag naasar sya.
Yung naniningkit nyang mata at ang ekspresyon ng kanyang mukha.
Mabilis na trip down to memory lane ulit, even for a short time naramdaman ko uli yung feeling noong in-love ako sa kanya habang ngingiti ngiti akong sumasagot sa chat nya.
Ang nasabi ko na lang...
"Exactly! Hindi kita maituring na tropa kasi YOU WERE MY FIRST LOVE!"Yung naniningkit nyang mata at ang ekspresyon ng kanyang mukha.
Mabilis na trip down to memory lane ulit, even for a short time naramdaman ko uli yung feeling noong in-love ako sa kanya habang ngingiti ngiti akong sumasagot sa chat nya.
Ang nasabi ko na lang...

September 2, 2010 4:13 AM
:D *ngisi lang