Bobita-ness?

Monday, June 7, 2010



Bum pa rin ako, ngayon ko lang na-enjoy ang ganitong pleasure kahit na ubos na ang kaban ng cash na meron ako simula nang bumalik ako from Singapore.

Bago ko pa man matapos ang SG experience at learning ko na 2 linggo na ring nasa draft, hayaan nyo munang basagin ko ang katahimikan ng blog na ito sa pamamagitan nito....

Ulitin ko lang.

Bum pa rin ako....

at dahil kinatatamaran kong mag-apply kahit online lang, wala akong ginagawa kung di mag-internet at manood ng TV.

Hindi ko pinalalagpas ang mga chismisan sa gabi, likas yata akong chismosa talaga. At sa tatlo na umeere araw-araw, yung Juicy! yung pinaka nakakaaliw. Please lang, don't get me wrong I still hate Cristy Fermin's hairstyle at fashion sense pero aaminin kong aliw ako sa sobrang dami niyang alam na walang kwentang chismis na tama lang sa walang magawa katulad ko.

Last Friday, tawa ako ng tawa kasi bukod sa blind item nilang pinapangalanan nila sa dulo, naungkat din ang diumano'y pagiging bobita (read: bobo) ng Ate Ness mo na si Alma Moreno.


Paunawa: Ito ay mula sa mga kwento ni Crisy Fermin at Shalala. Wala po akong kinalaman s mga sumusunod kungdi yun lang mga nasa kulay dilaw.


Scene 1 - Sa McDonalds

Vandolph: I want BigMac, what about you mom, what do you like?

Ness: Ah, SmallMac na lang ako.

- Ate Ness, kelan pa nagkaroon ng SmallMac?



Scene 2 - Sa McDonalds uli

Ness: Can I have hamburger etc, etc, etc.

Crew: Ma'am take out or dine in?

Ness: No! ... for Vandolph!!!

- Iniisip ko na lang yung reaction ng Service Crew, parang pang gag show.



Scene 3 - Sa Bangko

Mag wi-withdraw si Alma Moreno....

Ness: Oh eto na ang cheke

Bank Rep: Ma'am pa pirma po.

Ness: Ah talaga...

(sabay kuha ng cheke, pumirma)

Ang sinulat..

♥,
Ness


- Panalo!!! Akala nya siguro autograph ang hiningi. Pero malay ba natin kung yun ang naipas niya sa specimen signature niya, may puso talaga!



Scene 4 - Ilocos

Si Ness um-attend sa isang programa ni Gov. Elizabeth Keon.

Ness: Magandang gabi po sa inyong lahat lalong lalo na kay Governess Keon! (with full conviction)

- Tama naman siya babaeng governor nga naman, point taken!



Scene 5 - Sa show niya.

E.P or P.A : Naku, Ness wala pa si Vernie late na!

Si Ness, in-stretch ang prograama. Chika dito, chika doon.

EP PA: Ness andyan na si Vernie! (pasenyas habang nakasalang si Ness at chumichika)

Ness: Ladies and Gentlemen, the late Vernie Varga!

(sabay turo sa direksyon ni Vernie)

Vernie: (napanganga habang papalapit)


- Kahit ako mapapanganga na lang din!



Scene 6 - Batian portion sa TV.

Ness may binating Lieutenant Colonel.

Ness: Hello and Good evening to Elti-kol (pangalan ng militar).

- Anu raw?!? binasa ng literal ang lt.col? Parang ang bastos pakinggan.


Hindi ko talaga kinakaya! Promise, ang sakit ng ulo ko sa kakatawa hanggang ngayon. Pasensya ang babaw ko.

Bati tayo Ness ha!


AddThis Social Bookmark Button


5 Chikading chikading may chumichikang bading...: to “ Bobita-ness?

Related Posts with Thumbnails
 

Design by Amanda @ Blogger Buster