Bakit si Noynoy Aquino (at di si Gibo)?

Wednesday, May 12, 2010



O kung sino pa man....

Big fan ako ni Kris, pero di siya ang dahilan kung bakit binigay ko kay Noynoy ang suporta ko.

Sabi ng iba.... hindi na nadala ang pinoy.

Sabi nila, alam naman natin kung sino ang may utak at talino pero matigas ang ulo natin ibinoto natin yung hindi kasing talino ng kandidato nila.

Natalo tuloy ang manok nilang si Gibo.

Sabi nila, hindi na nag-iisip ang pinoy. Mahilig magpadala sa Bandwagon effect. Kung sinong "in" dun tayo.

Sabi nila, walang alam lang ang di bumoto sa kandidato nilang matalino.

Sabi nila, walang pakialam ang taong di bumoto ng matalinong kandidato.

Yung sabi nila, naiintindihan ko.



Pero Bakit kay Noynoy pa rin ako?

Aaminin kong, maka-Gibo ako nang una. Malinaw naman na kahahanga hanga ang kanyang track record. Ang pinakamalaking bentahe niya ay galing at talino. Tama naman, alam namin yun. Sino ba ang aayaw sa matalinong lider?

Pero ilang matalinong presidente na ba ang naupo at namuno sa bansang ito?

Si PGMA sobrang magaling at matalino, dahil kung hindi siya ubod ng galing matagal na siyang pinulot sa kangkungan sampu ng kanyang administrasyon.

Bago siya naging namuno sa atin, di ba't nasabi nating matalino siya base sa track record niya? Pero bakit inusuka pa rin siya ng sambayanang ito?

Ilang matalinong presidente na nga ba ang naupo, pero nasaan ba tayo? Nasa parehong sitwasyon lang baka mas malala pa nga.

Napaisip ako.....

Sabi ko, hindi natin kailangan ng matalino para mamuno sa atin ngayon,. Likas na tayong matalino. Higit nating kailangan ng lider na may puso na magbubuklod sa atin. Kailangan ng isang lider na tutulong na mawala ang pagkakaiba at magiging inspirasyon ng pagbabago.

Kailangan natin ng hihilom sa bansang ito bago tayo tuluyang makapag umpisang muli

Lalong kailangan nating magtiwala sa taong mamumuno sa atin.

Bukod pa dyan,

Kailangan ng isang lider na walang bahid ng kontrobersiya, isyu ng korupsyon o kung ano pa mang mapanirang alegasyon na may direktang epekto sa kakayahan niyang mamahala sa bansang ito.

Kailangan ng isang lider na hindi lang puro track record ang hawak kungdi tiwala ng mas nakakaraming Pilipino.

Kailangan ng isang lider na magsisilbing inspirasyon ng makabuluhang pagbabago.

Kailangan ng isang lider na bukod sa talino, ay may malaking puso para sa pagkakaisa ng sambayanang ito.

Sabihin niyo ng walang naipasang batas si Noynoy, o kahit pa walang pa siyang maipagmamalaki katulad ng mga pambato ninyo. Kahit pa sabihin niyo pa na sinto-sinto, abnoy o idawit sa kung ano anong iskandalo katulad ng Luisita massacre.

O kahit pa isinusuka ninyo pa si Kris Aquino, dahil naiinis kayo sa kanya , dahil hinuhusgahan ninyo sya. Ipagsigawan ninyo pang negative siya, siya ang kasiraan ni Noynoy at malaki ang impluwensiya niya dahil magkapatid sila.

Narinig ko lahat yan.

Pero hindi lang si Kris ang kapatid ni Noynoy!

Katulad ng paghanga ko sa dalawa, ganun din ang admiration ko kay Ballsy, Pinky at Viel. At alam naman natin kung gaanong gabay ang ginagawa ng magkakapatid sa isa't isa.

Kahit na sabihin niyo pang ang pwedeng ipagmalaki ni Noynoy ay "Papa at Mama" at sumakay lang siya sa popularidad ng nasira niyang mga magulang.

Alam at nauunawaan ko yan.

Maaring tama nga kayo, Si Noynoy na ang tanging lamang sa iba niyang kalaban ay "Papa at Mama".

"Kakatawa di ba?" Sabi ninyo.

Pero dito sigurado ako, na ang pinaka-rason kung bakit si Noynoy ang presidente ko ay dahil sa "Papa at Mama" na yan.

Ang ipinagtatawa ninyo ang dahilan kung bakit gusto ko ipagkatiwala sa kanya ang kinabukasan ng bansang ito.

Ito ang nakita ko kay Noynoy na wala sa ibang kandidato.

Dahil sa taas ng respeto nating Pilipino sa mga magulang niya at sa taas ng respeto niya para sa kanila.....

Alam ko na hindi tayo bibiguin ni Noynoy, na bawat desisyon na gagawin nya para sa bayan na ito ay para sa ikabubuti ng lahat.

Alam ko na lahat ng gagawin niya ay iaalay nya sa mga magulang niya na minsan na ring nagpakabayani para sa kapakanan nating mga Pilipino.

Alam ko na ang bawat importanteng desisyon na gagawin niya ay dadaan sa masusing pag-iisip bago niya ibaba.

Alam ko na may takot siya sa Diyos.

Alam ko na hindi niya dudungisan ang pangalan niya para sa pansariling kapakanan..

at higit sa lahat, ALAM KONG HINDI NIYA SISIRAIN ANG PANGALAN NG KANYANG MGA MAGULANG.

Yan ang dahilan kung bakit si Noynoy ang Pangulo ko.


Kaya naman mga kaibigan, hindi lahat ng bumoto kay Gibo (o kung sino man), ay hindi nag-isip, o walang isip at walang pakialam.

Salamat!






* This is purely my opinion and my feeling towards my friends saying that "Dumb are those who didn't vote for their candidate"


AddThis Social Bookmark Button


25 Chikading chikading may chumichikang bading...: to “ Bakit si Noynoy Aquino (at di si Gibo)?

  • malu
    May 13, 2010 1:00 AM  

    naiyak ako :(

    sayang nga lang at hindi ngcount ang boto ko para sa knya pero masaya at marami pa ring naniniwalang Filipino sa malinis at respetadong pamamahala. :)

  • Diosa
    May 13, 2010 1:08 AM  

    bakit ka naman naiyak? kaloka ka, emosyonal?!? hehehe

  • Keme
    May 13, 2010 1:30 AM  

    very true naman ang statement mo na hindi lang dapat palaging talino. We need a role model, yung walang kontrobersya. We don't have to waste our time for some crap na ginawa nila before. I just really hope that the next president will have a heart for the Filipino people.

  • Powerful Angel
    May 13, 2010 2:10 AM  

    Very well said. Ano ba ang masama kung isama sa dahilan ang mga magulang ng isang kandidato? Pareho lang tayo ng dahilan dahil tiwala rin ako sa integridad ni NoyNoy. Dalang dala rin ako sa matalino na yan saka isa pa ANO BA ANG BAGO SA MATALINO? Or what is a big deal for Academically Intelligent? Ilang beses na rin tayong inutakan ng mga yan. Matalino nga ang tanong dyan is may malasakit ba siya sa bansa? Intellectual pa silang nalalaman, kala mo naman kung sinong kagalang galang samantalang malakas mga alingasaw ng utot nila.

  • Powerful Angel
    May 13, 2010 2:32 AM  

    Very well said. Ano ba ang masama kung isama sa dahilan ang mga magulang ng isang kandidato? Pareho lang tayo ng dahilan dahil tiwala rin ako sa integridad ni NoyNoy. Dalang dala rin ako sa matalino na yan saka isa pa ANO BA ANG BAGO SA MATALINO? Or what is a big deal for Academically Intelligent? Ilang beses na rin tayong inutakan ng mga yan. Matalino nga ang tanong dyan is may malasakit ba siya sa bansa? Intellectual pa silang nalalaman, kala mo naman kung sinong kagalang galang samantalang malakas mga alingasaw ng utot nila.

  • lUVY
    May 14, 2010 4:25 PM  

    alam mo kung sino dapat ibinoto?ikaw! hehe, joke.well, seriously, you've made you're point there mare.i agree, kaya ni noynoy yan..:)

  • rolly
    May 15, 2010 1:20 PM  

    Nice blog. To be honest, I really didn't know who to vote for. I'm not for anyone, Not even Noynoy. Although almost everyone close to me chose him. And I ask why. I think I have the answer here. By the way, Can I post this link to my FB account? Is that okay with you? =)www

  • Sanchus Brian
    May 15, 2010 3:44 PM  

    :-) natutuwa akong ang linis mong naihatid ang mga paniniwala mo. wag nang indahin ang naramdaman nung may nasabi ang iba. daming nakaka-miss sa yo no? kape tayo soon.

  • kalansaycollector
    May 17, 2010 7:10 PM  

    i did not vote for noynoy. in fact i voted for gibo but i respect the votes of majority. this is a democratic country after all.

    well sabi ko nga my loyalty ends to my voted candidate when the new president starts working.

    i'll just support him... let's all unite! go for united philippines. :)

  • kim
    May 18, 2010 5:28 PM  

    gusto ko 'to! panalo! pa-share din! :)

    *clap clap clap

  • Sweety
    May 20, 2010 12:23 PM  

    panalo ito! hahaha! love this!

  • remm
    May 20, 2010 12:53 PM  

    galing! bravo! *applause*

  • nash
    May 22, 2010 9:58 AM  

    i have mine too...checkout my blog
    http://rockinroll.tumblr.com

  • Think about it
    May 27, 2010 8:16 PM  

    “He that cannot obey, cannot command.” - Benjamin Franklin

    A leader leads by example, whether he intends to or not, kaya please paki-sabi naman sa "Leader" nyu to stop smoking cigarette.. panu magiging leader ang taong hindi man lang mapiligan ang sarili sa mga bisyo.. ayun nga sa Department of Health "cigarette smoking is dangerous to you health" panu un kung mismong Leader ng bansa hindi sinusunod un isa sa mga department nya..

  • Maxwillz
    May 27, 2010 8:16 PM  

    Pero Bakit kay Noynoy pa rin ako?

    Aaminin kong, maka-Gibo ako nang una. Malinaw naman na kahahanga hanga ang kanyang track record. Ang pinakamalaking bentahe niya ay galing at talino. Tama naman, alam namin yun. Sino ba ang aayaw sa matalinong lider?

    LIDER? ----> LEADER

    ang bobo mo po.. wag ka na mag BLOG. kakahiya ka! kaya kay noy ka na! parihas kau..

  • Maxwillz
    May 27, 2010 8:18 PM  

    Pero Bakit kay Noynoy pa rin ako?

    Aaminin kong, maka-Gibo ako nang una. Malinaw naman na kahahanga hanga ang kanyang track record. Ang pinakamalaking bentahe niya ay galing at talino. Tama naman, alam namin yun. Sino ba ang aayaw sa matalinong lider?


    LIDER? ---> LEADER

    kahiya-hiya ka po! ayusin mo SPILING mo.. ahaha!

    and i know ur in NOYS side.. same kau kc!

  • Maxwillz
    May 27, 2010 8:26 PM  

    may alam ka ba sa hacienda luicita?

    sana mag research ka.. wag ka mag paka bobo..

  • mag isip ka!
    May 27, 2010 10:27 PM  

    clearly hindi ka brilliant sorry... sa basis mo sa pagpili mo sa mga presidentiables.... pakitanung ke noynoy mo kung anu ginawa nya sa mga namatay sa hacienda luisita.. tinawag pa nya sila mga terorista... di ako pro gloria.. pero choosing between them... mas deserve parin sni gloria.. dahil may nagawa sya ... unlike yang abnoynoy mo... 12 years sa position sya pinakamagastos pa....zero! as in zero wala nagawa... yan lang ba batayan mo? kaya pala kawawa pinas... dahil sa mga tulad mong di nag iisip.... mag research ka pa.. at marami pag kandidato na mas fit.. actually kung nag iisip ka..ang choice mo lang dapat is between Gordon at Gibo... kaso ewan ko sayo.. hahaha idol mo kasi si Kriz...

  • Anonymous
    May 27, 2010 10:28 PM  

    clearly hindi ka brilliant sorry... sa basis mo sa pagpili mo sa mga presidentiables.... pakitanung ke noynoy mo kung anu ginawa nya sa mga namatay sa hacienda luisita.. tinawag pa nya sila mga terorista... di ako pro gloria.. pero choosing between them... mas deserve parin sni gloria.. dahil may nagawa sya ... unlike yang abnoynoy mo... 12 years sa position sya pinakamagastos pa....zero! as in zero wala nagawa... yan lang ba batayan mo? kaya pala kawawa pinas... dahil sa mga tulad mong di nag iisip.... mag research ka pa.. at marami pag kandidato na mas fit.. actually kung nag iisip ka..ang choice mo lang dapat is between Gordon at Gibo... kaso ewan ko sayo.. hahaha idol mo kasi si Kriz...

  • http://jpx3m.com
    May 27, 2010 10:53 PM  

    can i save this? para naman i can add you to whom i will apologize to if by miracle President Noy can really pull it off... ^_^

  • Anonymous
    May 27, 2010 10:57 PM  

    @ keme panu naging role model yung si NOYNOY,... role model ba yung malakas manigarilyo... role model ba ung wala pang napatunayan..?? role model ba ung walang sariling desisyon at pabago bago ng isip..??

  • Anonymous
    May 27, 2010 10:59 PM  

    ayis wala ka bang negative na ina prove.. puro positive ah... napaka bias mo naman para kang ung ABIAS-CBN..

  • Diosa
    June 5, 2010 12:40 AM  

    Hindi ako naghahanap ng away, again it's my opinion.


    about sa LIDER, tagalog ang medium ng post at ang LIDER ay katanggap tanggap.

    Huwag tayong radical. Salamat!

  • Sweety
    June 9, 2010 5:33 PM  

    hey diosa, don't mind those radical bullshits, they're a pain in the Philippine's ass, Panalo na si Noy-Noy!hahaha! Di nasyang suporta ko at suporta mo!

  • Diosa
    June 9, 2010 5:38 PM  

    Thanks Sweety! mwahness

Related Posts with Thumbnails
 

Design by Amanda @ Blogger Buster