Top Ten Men 2009 (Office Edition)

Thursday, October 22, 2009

I know.... I know....

Sorry at sobrang late na ng promise ko. Kasi naman I was very busy last week. Aside from my body clock being screwed up, I have changed my phone rin and I need to transfer files and contacts. Isa pa d'yan, busy rin ako sa pagtulong kay Mama Babeth para sa kanyang nalalapit na pageant sa office. I'll be her talent manager, road manager, P.A, stylist, at coordinator rolled in one. I'll post an unofficial backstage pictures and scenes of the pageant here soon.

Going back, it was very tiring to gather all of these people together. It was extra hard collecting vanity pictures of these guys, some admittedly wala talaga ako makita. As in, siguro dahil yung iba lalake lang talaga at walang pakialam kung may maganda silang picture sa mga networking accounts nila. Salamat rin sa mga tumulong to make this possible. Thanks to Tian-Tian, Juji and Rain for the effort in getting those pictures of those who weren't my direct contact.

Tell you what, I am so torn on who to put as my Top 3 men for this list. Of course, sobrang binalasa ko sila according to my taste and siyempre yung feelings nakaapekto rin and for some elbam. MGF! (read: may ganung factor).

Half of these guys I guess have resigned already but still they remain as one of the most delectable guys for me for the last 12 months.

Hope you'll like my Top Ten Men (Office Edition)!


He was never my crush. Yes! he's good looking but definitely not my type, ganda ko lang no! Well, he's a boy-next-door type gwapo but not photogenic, I guess. Hindi nagta-transmit yung aura at freshness niya sa tunay bunay sa mga pictures.

I hate him when he's becoming too courteous kapag tinatawag namin siya, nakakainis na! Sana minsan yun bastusin niya naman ako, kung siya lang din yung babastusin keri ko na! Lagi naka-opo, naka-sir at sobrang pa-humble kapag kinakausap namin.

Speaking of not being photogenic.

Look...

I swear he is much, much better in person, with him is Tian-tian who's head over heels i know (medyo) to this guy.

While finishing this entry bigla kong naalala yung Dance Group kung saan siya kasali. May nagtsismis kasi sa akin na dati siyang dancer (i don't if until now active pa siya). Anyway, ang name ng dance group ay X-10 o Extreme 10 na dating regular dancer ni John Pratts.

So hanap ako to the max ng friendster ng group na ito hindi ako nabigo.....

Voila!!! Nakakuha ako ng mas maraming pictures. Kaso, hindi talaga siya photogenic. Sorry!

Kung hihiling man ako ngayong pasko, gusto kong hilingin makuha ang freshness niya, ang ganda kasi ng kutis niya pang anak mayaman!


From a dancer pasok naman on the next spot ang Laguna based musician na ito. Siya yung almusal namin ng mga friends ko sa office. At the end of our shift around 6AM darating siya dahil yun yung oras ng shift niya, fresh na fresh. Lagi namin siya tini-tease by calling his name then he'll turn to our direction tapos kami magde-dedma-dedmahan habang kunwari ay abala sa chismisan.

After we learned his complete name we started googling for it.


Surprised kami na he's a part of a band named "The Spoons" and under their name are good songs. They sound like Sugar free and he is the vocalist. Hindi lang siya sumarap sa paningin namin kundi pati sa tenga namin. He got that voice na sobrang lalaki at sobrang alternative ng dating, nakaka-in love!

Yung kanta nila na may lyrics na "Hangover sa banyo, hangover sa kwarto...." is a must hear. I don't know the title.

and to add another reason as to why he is hawt..... Siya lang naman ang songwriter sa mga songs nila which is very, very cool. Nakaka-miss din siya he resigned last month.





Mind you guys, he is not my crush. I know a few who has/had a crush on him. Okay, I know you're wondering why he's on my list. Right?


Well, I can say naman na he got looks and the built that a person like me will like. He is of British descent and on that picture you can tell naman na siguro. Aside from that he carry with him a foreign surname.

Brit is one of our bossess sa account namin now, he transferred from a call center in QC couple a months ago. When we were told that a guy supervisor would be hired externally, nakadama kami ng excitement especially ng may nagsabi na gwapo raw yung darating. Sa account namin may El NiƱo sa kalalakihan, tagtuyot kami sa lalaking may hitsura. Kungdi babae ang majority ng population namin, more than half ng population ng Gents ay tuklersia.


Tj is my chinito delight. I got a huge crush with Tim Yap and when I first saw him he reminded me of my feelings for Tim. Matagal ko ring hinintay na makatabi siya at maka-chismisan at namg linggong pinagtabi na kami ng tadhana at nag-uumpisa na kaming magkwentuhan at magkalapit. Agad din siyang kinuha sa akin, basta sabihin na lang natin na nag-resign siya hindi dahil ginusto niya. Sad!

Siya lang ang ka-officemate ko kumabog sa mga taga-cavite kung mag-uwian. Ang version niya naman ng commute ay hanggang San Fernando, Pampanga everyday! Kaya naman kapag lunch time lagi siyang laman ng sleeping area na naging tambayan ko rin for quite some time para lang ma-sight ko ang fez niya habang borolgy na parang anghel!



Ang Gardo Versoza sa office, siya talaga ang buhay na Machete! Sa totoo lang hindi ako mahilig sa mga super moreno, pero siya lang yata ang naging exemption. Kasi naman para siyang pinabatang Gardo na alam naman natin na nung era ng kabataan ko isa si Gardo sa mga pantasya ng mga batang bakla kasama si Jay Manalo at Leandro Baldemor!

He was once a part of Pinoy Pop Superstar that only means na mayroon din siyang magandang boses. Yung boses niya ay yung sobrang buo at nung first time siyang nagpakita ng talent sa singing sa batch namin, nag-water ako! lol. Katulad ni TJ kinuha rin siya sa aking dahil nailipat siya ng account nang panahon nag-uumpisa ng mahulog ang loob ko sa kanya. Kapag nakakasabay ko siya sa elevator nagkakasya na lang ako sa pagkubli sa kanyang balikat kahit sandali lang!


Aminin natin na si Brian ay isa sa mga ordinary looking guys sa office, pero what seperate him from the rest ay ang kanyang x-factor! Siya lang sa lahat ang oozing ang sex appeal at keri ang angas look. Plus factor pa yung kung paano niya dalhin ang sarili niya at siyempre ang pagsasalita.

Naalala ko pa noong trainee pa ako, minsan siyang nag-relieve sa trainer ko na may meeting that day. Sa 2 oras na nag take-over siya sa klase namasa ang panty ko! Dun pa lang alam kong crush ko na siya.

Nag-resign man siya at nagpakasal, alam kong maraming pa rin siyang followers sa office. Aaminin namin namimiss namin ang alindog niya sa aming building, sayang nga lang at naisipan niyang lumipat ng opisina. Nahirapan din akong hanapin ang multiply site niya na pinagkuhaan ko ng mga pictures niya for this.

At eto yung angas niya na hindi ko malimutan....

Kung ikaw ba ay pagsasamantalahan niya sa gitna ng gubat sa ganitong eksena, aarte ka pa?

Katulad niya from the Trainers Pool pasok sa next spot si.......




Siya yung crush ko na hindi ako naging vocal na crush ko siya ever. Hindi ko talaga ipinagsabi kasi baka i-take advantage niya ang nararamdaman ko. Charot!

I heard he was once a part of my very first account sa office, kaso hindi na kami nagkaabot sa floor. Sayang! Ano kayang feeling kung magkaibigan kami? Ano kaya kung ako yung shoulder to cry on niya tapos mag-take advantage ako sa closeness namin. Ano kaya kung ligawan niya ako? Papahirapan ko pa ba siya? Malamang hindi.


Kapag nakakasabay ko siya sa elevator sa totoo lang ay palihim akong natutunaw. Napaka-charming niya kasi, feeling ko ako si Sailormoon at siya si Tuxedo Mask. Parang gusto ko siyang ilagay as my groom sa hinahanda kong bridal cake ko, yun ay kung papayag siya. Parang siyang yung missing piece that will make me whole. Siya siguro ang pangarap ng nanay ko para sa akin!
Wala akong balita sa kanya, nagulat na lang ako na nag-resign na rin siya. Late na rin ng nalaman ko na umalis na siya. Yung mg pictures niya dito courtesy ni Tian-tian, pinanakaw ko talaga. Bilib din ako sa vanity shots niya.

Hindi ba at may hawig sila ni Papa Piolo sa pic na ito?





Si Tony, ang ninja ng buhay ko! Isa siya sa mga espesyal na taong nakilala ko sa office. Isa siya sa sumuporta sa aking noong panahong kinailangan ko ng suporta. Isa siya sa mga taong nag-push sa akin to step up at nag-convince sa akin to bounce back after the failure.

I am missing our days together, yung time na we talk over bottles of beer, yung serious talk! Yung talk na ginagawa namin na at first he's surprised kasi he never expected me to be serious. Or he never expected me to be deep.
Yes friends! naging crush ko siya at one point and til' now tingin ko crush ko pa rin siya kahit papano. Also, til now maraming nag-iisip na bading siya, noon isa ako sa kanila. Ngayon isa na ako sa tagapagtanggol niya. Masyado lang siyang malandi at siguro mabait na kebs na siya sa sasabihin ng ibang tao.

He's part of our QA department now and he transferred back to our company from People support. He's newly promoted as Quality Assurance supervisor kaya may pagka-hectic na ang schedule at hindi na masyadong maramdaman. I am missing our times together, you still owe me a treat for the promotion!

Picture niya yan sa actual na kasal niya, yes kakapakasal niya lang this year. Isa lang ang nasabi ko sa kanya noong week na sinabi niyang magpapakasal niya sa facebook at sasabihin ko pa rin hanggang ngayon...

"Tony, sana ako na lang ang pinili mo dahil dela Cruz din naman ang surname ko!"



Familiar?

If you are gonna google his name ito ang mga lalabas:

He ventured in the modelling industry when he was already in college. He was featured in several commercials and billboard ads like Jollibee, Coke, Bench, Great Taste, etc.


He was also part of the Star Circle Batch 10 group of new artists. He was featured in several television shows both in ABS-CBN and GMA 7. He was also featured in several Filipino movies doing support roles alongside Aga Muhlach, Sharon Cuneta and Rica Peralejo.


He had his fair share of romantic relationships with showbiz personalities. His most famous ex-girlfriend was Angel Locsin.


He preferred to give himself a more private life by not pursuing showbizness. He is now currently running his own business.

Last appearance niya sa TV i think ay sa Qpids at sa commercial naman ay Globe.


The first time I saw Aaron parang nakita ko si Richard Gutierrez sa kanya. Ang gwapo kasi talaga niya. Maraming girls sa office ang nagkakandarapa sa kanya at hindi ko na lang ichi-chika.


Noong magka-account kami, sinumpa ko siya dahil nayayabangan ako sa kanya. Tapos feeling pa namin iniishan niya yung ibang team para umangat yung team niya. Nagbago na lang ang lahat ng magkasama kami sa account at naging boss ko siya. Hanggang ngayon na-i-starsruck ako kapag nakikita ko siya. Alam mo yung kilig na pang-high school? Ganun!




Believe me na nahirapan talaga ako sa pagra-rank sa kanila. Ang inilamang lang ni Remo kay Aaron sa puso ko ay ang kanyang chinito eyes at chest! Yes! may elbam factor lang talaga si Remo kaya siya ang naging number 1 sa list na ito.


Sayang nga lang at very short time lang namin siya nakasama kai nag-move na siya sa Makati Medical Center para i-practice ang kanyang profession.

Ang hot remo ay isang Nars!


Obviously, he's into water sports. I saw pictures of him sa iba't ibang surfing destination dito sa Pinas. Look at his physique, he's not just a pretty face di ba? Kapag siya naman ang ulam mo tiayk kong "no more lonely rice" ako palagi!

I know nothing about him actually, all I can remember is turn off talaga ako sa boses niya. Para kasing ang lamya-lamya. Pero kahit ganun pa man kapag nakita ko siyang nag-flex ng muscles ng konti, nawawala rin agad ang aking pagkadismaya! Madalas ko kasing sinisipat yun dhail lagi siyang naka-fit na shirt at may pag small sleeves.

Minsan nahuli niya akong pinapanood ko siya sa mga ginagawa niya sa office, pero hindi ako nagpatinag. Dineretso kong tulala-tulalaan ang drama ko para at least hindi niya maisip na piangnanasaan ko siya. Natatawa ako tuwing naiisip ko yung reaksiyon niya lalo na't akala niya ay tulala lang ako, siya pa tuloy ang napahiya!

His real name is Silvino, til now convinced ako na masarap siyang pagsilbihan!



AddThis Social Bookmark Button


20 Chikading chikading may chumichikang bading...: to “ Top Ten Men 2009 (Office Edition)

Related Posts with Thumbnails
 

Design by Amanda @ Blogger Buster