Para kay "Bitch"....

Sunday, October 4, 2009

'Yan ang tawag ko sa huling Adonis na nagpa-ibig sa akin.

Bitch dahil parehas kami. Sa sobrang parehas kami in many ways mabilis na nagkapalagayan ang aming loob. Hindi ko alam kung namis-interpret ko siya sa closeness namin, o talagang puso na ang nagdikta. Sa diwa ko hanggang ngayon iniisip ko na ako ang nadala at ako ang natalo at ako rin ang tumalikod at nanakit sa sarili ko. My love for him was very unrequited, yun naman ang ginusto ko umpisa pa lang. Because I know he wasn't mine and he can never be mine. Malayo siya sa pinangarap ko, malayo siya sa mga gusto ko at malayo sa hinagap ko na kikiligin ako sa sweet nothings at kahit sa pinaka-walang kwentang moments namin together. I admit I liked him a little more than I should. Kung sabagay hindi naman isip ko ang nakaramdam kungdi ang punyetang puso ko.

He is a lover of a very close friend, at parang ninanakaw ko ang mga sandali para makasama siya. Pumagitna ako sa relasyon nila. Inilapit ko ang sarili ko at tinulungan ko sila sa kanilang mga hindi pagkakaunawaan kasama na ang small fights. I was there many times trying to salvage their relationship. Mediator, counselor, peacemaker and a friend. Habang nagyayari ang lahat ng ito ay pinaikot ko ang mga kaibigan namin sa sikreto kong nararamdaman sa kanya. Magaling akong magdala at magtago. Magaling talaga yata akong magsinungaling. Hindi nila nabasa ang mga galaw ko. Ang uganayan namin. Dinala namin ang lahat ng kaswal na parang wala kaming special bonding. Tinutulungan ko ang relasyon nila habang unconciously ay lalo kong nilalapit ang sarili ko sa kanya. Hindi niya naman ako pinigilan, nagbibigay siya na lalo kong ikinalito. Tinago niya lahat ng sikreto namin, mula sa lihim na pagkikita, hanggang sa pagsundo ko sa kanya, sa tawagan at never ending text exchange at higit sa lahat tinago niya lahat ng sinabi kong ilihim namin. Ganun rin naman ako.

Napaikot namin lahat.

Til' the day came that I can no longer contain my feelings, though I'm becoming more obvious nasabi ko na rin ang nararamdaman ko sa kanya. Finally.... Para akong hinubaran pagkatapos noon, pakiramdam ko ay lumulutang ako sa sobrang kalayaang nadarama ko. Pinigil ko siya magsalita habang dahan dahan kumakawala sa aking bibig lahat ng sakit at sayang pinadarama niya sa akin. Matapos ay agad akong tumalikod at hindi ko na siya nilingon pa. Pinigil ko siya dahil ayokong marinig ang kahit na anong sasabihin niya. Nais kong magkasya na lamang sa pagpapalaya ng aking sarili at hindi para sirain ang pagkakaibigan namin lalo na ng karelasyon niya na malapit kong kaibigan. Pinawi ko ang luha ko at pumikit, ito na rin ang huling gabing natulog kaming magkatabi. Nakatulog ako at nagising sa pagkakataong ito ay hindi na ako lumuluha, mas lalo lang naging masakit. Mahirap palang umiyak ng walang pumapatak kahit kakarampot na luha. Mahirap palang tumangis na walang lumalabas kahit kakarampot na tunog sa aking kaibuturan.

Nawala siya at hindi na nagparamdam. Nawala siya at hindi nagpaalam. Nawala siya at nawala rin ako, pinili kong mawala sa pait ng nararamdaman ko habang pinapatay ko lahat ng nararamdaman ko sa kanya.

Ngayon, wala na sila ng kaibigan ko at wala na rin siya sa akin.


At para kay Bitch....

Languishing (Interlude)
Mariah Carey

If you could only see
That I was not put here for you
To judge me and dispute my inner most truth

And after all these years of enmity, envy and tears
It's a shame you don't know me at all

I was wondering
Would you cry for me?
If I told you that I couldn't breathe
If I was drowning, suffocating
If I told you that I couldn't breathe

Those ancient buried recollections
We transform them and select them
You have yours, I have mine
That's fine
While we're too torn to heal
Our stitch has never disappeared
I have mine, you have yours
I'm sure

I was wondering
Would you reach for me
If you saw that I was languishing
I was wondering would you cry for me
If I told you that I couldn't breathe
If I was drowning, suffocating
If I told you that I couldn't breathe




Para Kay Bitch - ..

...ikaw ang nasa isip ko tuwing napapakinggan ko ang kantang ito.



(This is supposed to be a very short post, I don't know what happened. Just bear with me.)



AddThis Social Bookmark Button


7 Chikading chikading may chumichikang bading...: to “ Para kay "Bitch"....

Related Posts with Thumbnails
 

Design by Amanda @ Blogger Buster