Hindi Ako Laos!

Tuesday, October 6, 2009

Bakit ka'nyo?

Dahil ako pa rin ang nag-iisang maningning na si Diosa Gandanghari. At tulad ni Magnolia, aso lang ang hindi nakakakilala sa pangalang Diosa Gandanghari! Echos.

Sa lahat na nagsasabi na laos ako, heto ang sa inyo! Makinig kayo at tignan niyo akong lahat!


Nagtataka siguro kayo kung sino ako ?!? Hindi ninyo ba ako nakikilala? Ako si Carissa!!! Ang dating mukhang unggoy na inaalipusta ninyo. Tignan nino ako ngayon, hindi na ako ang mukhang unggoy na dating pinagtatawanan ninyo!

Sinong magsasabing napaglipaasan na ako? Sinong makating dila ang sinisira ang pangalang pinundar ko! Mga impokrita! Sa aura kong mala-aretha franklin 70's circa, timeless ang beauty ko! Nababaliw pa rin sila sa alindog ko at postura. Pangalan ko pa rin ang sinisigaw nila. Ako lang at wala ng iba, ako pa rin ang nag-iisa at kahali-halina! Sa dami ng sikat kong kaibigan sinong mag-iisip na laos na ang isang katulad ko. Bago naging "in" si Ondoy ako pa ang pinag-uusapan nila. Ang Masquerade Party ko, na dinumog ng pinakamamahal kong sikat na mga kaibigang katulad ko.

Take note, sikat!


Una... Si Nanay Istah na dating pinunong sirena sa Marina ay bisita ko sa party. Medyo nag-gain ng weight at from mermaid ngayon ay isa na siyang tutubing karayom. Kasama niya sa party ay ang sexbomb dancers na naka-todo fairy costume.

Hindi nagpahuli ang nag-iisang nagmamahal kay Kevin Cosme ng buong puso at walang pag-iimbot, Nova Villa. Ang picture na inspired noong sampaguita days plus mukhang vintage look equals circa sitenta at its best. Walang makakatalo LVN prroductions at Sampaguita!

Ang masugid kong manliligaw na si Rodel Velayo noon present din kasama ang mga girls from international community. Matagal ko na siyang binasted dahil pinili ko si Leonardo Litton at Harold Pineda keysa sa kanya, ngayon we are slowly picking up the pieces at nag-start na kami uli. Salamat sa party na ito at malapit na kami mag-reconcile ng tuluyan.


Si Sugar Mercado na isa sa unang nakatanggap ng "Buto ng Persimon" na pinamimigay ni Jang Geum. Ang buto ng persimon ay sinasabing nagpapasarap ng mgalutuin na nakukuha sa ika-pitong bundok.

Kahit na gaano ka-busy si Sandara ngayon with her girl group na 2Ne1, she showed me how important ang friendship namin. As in tight kami! Mas matindi pa sa mga flashy at colorful kostyumey niya with matching outrageous hairstyle! Beside her is Charito Solis with Asia Agcaoili.


Nagulat ako sa presensiya ni Betty! Nakalimutan niya yatang Masquerade Party at talaga namang hindi na siya nag-effort na magdala ng maskara para sa mukha niya. Kung sa bagay, parang parehas lang, in pa rin ang face niya sa party! Nag-pretend na lang ako hindi ko siya nakilala dahil sa outfit niya.

Mula sa international community rin at hindi lang Korea, pasok si Hannah Montana na medyo nagka-isyu sa kanyang figure. Actually gate crasher lang siya sa party ko pero nagmakaawa siya to join my infamous party. At dahil malambot ang puso ko pinagbigyan ko naman siya. Hindi ko na alng siya kinausap buong gabi kahit nakikisawsaw siya sa sosyal kong party!


Isa sa espesyal kong bisita ay si Lady Gaga na galing sa Aklan ng araw na iyon. Sa sobrang na-inspire siya ng ati-atihan costume, doon niya binase ang outfit niya sa masquerade party ko! Keri niya naman. Nga pala, muntikan ng mag-away si Miley Cyrus at Lady Gaga dahil sa Videoke pero napigilan ko naman dahil binetsin ko si Hannah Montana ng palihim. Na-enjoy niya naman yung tama kasi tinatanong niya kung anong brand ng drink ang pinainom ko sa party the other day thru text!

At ang panauhing pandangal sa party ko....

Fresh from the success of her launching movie. Hindi niya ako binigo at alam kong hindi niya kayang i-turn down ang invitation ko. Thank you for making it to my party, it means a lot.

Ang lahat na nagsasabing kupas na ang kinang ko ay mananagot kay Mareng Kemie.

Enter Kimmy Go Dong Hae!

Si Eugene Domingo talaga yang nasa party ko........... WANG KEMS!!!



(Pictures from September close-out party sa office, Masquerade Party theme)


AddThis Social Bookmark Button


5 Chikading chikading may chumichikang bading...: to “ Hindi Ako Laos!

Related Posts with Thumbnails
 

Design by Amanda @ Blogger Buster