Plagiarized?
Tuesday, September 8, 2009
Nagising ako ng alas-4 ng madaling araw at pinili kong huwag ng bumalik sa pagkakatulog. Nag-iipon ako ng antok para hindi ako mahirapang matulog mamayang tanghali dahil gabi ang pasok ko sa trabaho. Naisip kong buksan ang mga blogs ko at magbasa-basa, pampalipas oras. Na-miss ko na rin magsulat ng hindi tungkol sa akin. Na-miss ko na magsulat ng tungkol sa kahit ano tapos ay maglagay ng mga nakakatuwang inputs.
Napunta ako at muli kong binasa ang "Ang Pinaka........ Nakakalokang Showbiz Chismis". Naiisip kong panahon na para gumawa ng bagong Top 10 tungkol sa kahit ano mang nakaka-intriga at masarap usisain. Naisip ko ring lagyan muna ng pictures ang entry para lalong ma-feel ng mga maliligaw sa blogsite ko.
Nang matapos ako, naisip ko rin tignan kung may ibang naka-isip na mag-blog about sa mga memorable showbiz issues. Alam mo naman ang showbiz maraming issues so inisip kong baka may iba pa d'yan na nakakatuwang chismis na nakaligtaan ko.
Search Google: Nakakalokang Showbiz Chismis
At ako ang nagulat!
Right after my entry, naroon ang isang entry na parehas ang title at ang pinagkaiba lang ay ang salitang "Chismis" na ang sa kanya ay "Chizmiz". Nang binasa ko ang preview, lalo kong ikinagulat dahil familiar ang nakasulat sa preview kaya agad-agad kong kini-click.
Nakakaasar! Ang mga sinulat ko ay inangkin ni "Walang Magawa". Parehas na parehas at wala man lang pinagkaiba ang entry niya sa entry ko. Kahit yung mga typo ko hindi man lang niya nai-correct. Sana medyo nag-effort ka man lang.
Kung titignan ako pa rin naman ang nauna, posted yung akin ng June 12, 2009

at yung sa kanya ay July 08, 2009.

Iba na nga talaga kapag nabasa mo yung sariling gawa mo sa site ng iba. Nakakasar! Nakaka-bad trip. Eto na nga yung "plagiarism" na tinatawag katulad ng nangyari kay Juan Ekis at Bob ong sa entry niyang "Love advice kay Bartolome" na matapos ang e-mail exchange ay agad din namang itinama ng huli.
Sabi ng kumare kong si Wikipedia:
Plagiarism, as defined in the 1995 Random House Compact Unabridged Dictionary, is the "use or close imitation of the language and thoughts of another author and the representation of them as one's own original work."
Ibang level na ito, "I was plagiarized!" na ang drama ko.
Lahat ng nilalagay ko sa blog ko ay free to distribute ika nga, pwede ilagay kahit saan. Kaya nga publicly posted ang lahat ng entries ko. Ang sa akin lang ay citation. Bigyan lang ng credit na ang entry na ito ay galing sa ganitong website at bahala na kayo kung ano gusto niyong gawin. Kung gusto niyo laitin, purihin o i-share tanggap ko yan. Kaya nga matapang akong nag-popost ng kahit anumang gusto ko.
Noong ako ay nag-post ng entry ni John Lapuz na "Kawawang Bakla", binigyan ko siya ng proper citation. Inilagay ko kung sino ang may akda o isinasama ko ang link kung saan ito originally posted. Credit lang ang hinihingi, at respeto sa intellectual property rights. Though i-reposted the blog I gave him the proper credit.

Sabi nga ni Juan Ekis, parang siguro ganito ang nararamdaman ng pulubing ninakawan ng tinapay. Simpleng bagay pero big deal sa amin, dahil ini-anak namin ito at pinagtuunan namin ng panahon. Pinaghirapan at pinagpawisan. Pasensya na kung big deal sa akin, siguro sa inyo ay hindi naman. Sa panlasa ng iba maaring sabihing ano bang mayroon sa entry na ito. Maaring hindi naman kagandahan sa tingin mo, maaring hindi rin naman kakapulutan ng aral. Maari rin naman walang kwenta sa iba ang pinagpuputok ng butsi ko. Ang sa akin lang, simple lang ang issue. Nararapat lang na matutuo tayo rumespeto sa mga may akda, magbigay kredito sa gumawa at magbigay hustisya para sa totoong nagpakapagod makagawa lang ng isang (walang kwentang) article katulad nito.
Hindi ako kumikita dito, at pinili kong gawin ito dahil sa ginusto ko. Wala ng sasarap pa sa kreditong makukuha ko sa mga nakakabasa at nakaka-appreciate ng mga nilalagay ko dito. Yun lang, madali lang naman yung ibigay. Maliit na bagay mula sa iyo, malaking bagay para sa akin.
Sana nga, masanay tayo sa proper citation kahit sa blog man lang.
Napunta ako at muli kong binasa ang "Ang Pinaka........ Nakakalokang Showbiz Chismis". Naiisip kong panahon na para gumawa ng bagong Top 10 tungkol sa kahit ano mang nakaka-intriga at masarap usisain. Naisip ko ring lagyan muna ng pictures ang entry para lalong ma-feel ng mga maliligaw sa blogsite ko.
Nang matapos ako, naisip ko rin tignan kung may ibang naka-isip na mag-blog about sa mga memorable showbiz issues. Alam mo naman ang showbiz maraming issues so inisip kong baka may iba pa d'yan na nakakatuwang chismis na nakaligtaan ko.
Search Google: Nakakalokang Showbiz Chismis
At ako ang nagulat!
Right after my entry, naroon ang isang entry na parehas ang title at ang pinagkaiba lang ay ang salitang "Chismis" na ang sa kanya ay "Chizmiz". Nang binasa ko ang preview, lalo kong ikinagulat dahil familiar ang nakasulat sa preview kaya agad-agad kong kini-click.Nakakaasar! Ang mga sinulat ko ay inangkin ni "Walang Magawa". Parehas na parehas at wala man lang pinagkaiba ang entry niya sa entry ko. Kahit yung mga typo ko hindi man lang niya nai-correct. Sana medyo nag-effort ka man lang.
Kung titignan ako pa rin naman ang nauna, posted yung akin ng June 12, 2009

at yung sa kanya ay July 08, 2009.

Iba na nga talaga kapag nabasa mo yung sariling gawa mo sa site ng iba. Nakakasar! Nakaka-bad trip. Eto na nga yung "plagiarism" na tinatawag katulad ng nangyari kay Juan Ekis at Bob ong sa entry niyang "Love advice kay Bartolome" na matapos ang e-mail exchange ay agad din namang itinama ng huli.
Sabi ng kumare kong si Wikipedia:
Plagiarism, as defined in the 1995 Random House Compact Unabridged Dictionary, is the "use or close imitation of the language and thoughts of another author and the representation of them as one's own original work."
Ibang level na ito, "I was plagiarized!" na ang drama ko.
Lahat ng nilalagay ko sa blog ko ay free to distribute ika nga, pwede ilagay kahit saan. Kaya nga publicly posted ang lahat ng entries ko. Ang sa akin lang ay citation. Bigyan lang ng credit na ang entry na ito ay galing sa ganitong website at bahala na kayo kung ano gusto niyong gawin. Kung gusto niyo laitin, purihin o i-share tanggap ko yan. Kaya nga matapang akong nag-popost ng kahit anumang gusto ko.
Noong ako ay nag-post ng entry ni John Lapuz na "Kawawang Bakla", binigyan ko siya ng proper citation. Inilagay ko kung sino ang may akda o isinasama ko ang link kung saan ito originally posted. Credit lang ang hinihingi, at respeto sa intellectual property rights. Though i-reposted the blog I gave him the proper credit.

Sabi nga ni Juan Ekis, parang siguro ganito ang nararamdaman ng pulubing ninakawan ng tinapay. Simpleng bagay pero big deal sa amin, dahil ini-anak namin ito at pinagtuunan namin ng panahon. Pinaghirapan at pinagpawisan. Pasensya na kung big deal sa akin, siguro sa inyo ay hindi naman. Sa panlasa ng iba maaring sabihing ano bang mayroon sa entry na ito. Maaring hindi naman kagandahan sa tingin mo, maaring hindi rin naman kakapulutan ng aral. Maari rin naman walang kwenta sa iba ang pinagpuputok ng butsi ko. Ang sa akin lang, simple lang ang issue. Nararapat lang na matutuo tayo rumespeto sa mga may akda, magbigay kredito sa gumawa at magbigay hustisya para sa totoong nagpakapagod makagawa lang ng isang (walang kwentang) article katulad nito.
Hindi ako kumikita dito, at pinili kong gawin ito dahil sa ginusto ko. Wala ng sasarap pa sa kreditong makukuha ko sa mga nakakabasa at nakaka-appreciate ng mga nilalagay ko dito. Yun lang, madali lang naman yung ibigay. Maliit na bagay mula sa iyo, malaking bagay para sa akin.
Sana nga, masanay tayo sa proper citation kahit sa blog man lang.

September 8, 2009 7:38 AM
shupal ng mukha mo kung sino ka man. ang pagsusulat pinagiisapan. utak ang puhunan hindi copy paste! mahiya ka. Nakakahiya ka! hehehe hindi ako galit naiinis lang din.
September 8, 2009 8:16 AM
Kaloka.
I-share ko sa 'yo what happened to me and a friend a couple of years ago. Parang ganyan lang pero medyo worse. Kasi nirerepost niya lahat ng POSTS namin sa blogs namin tapos nilalagay sa blog niya. Parang we are living his life. Ahahahahaha.
Oh well, ganyan naman talaga sa internet. Gaya-gayahan lang.
Mabuhay na lang sa 'yo kasi ginagaya ka na ngayon. Hehehehe.
September 8, 2009 8:24 AM
tsk tsk.. tampalasang nilalang.
September 8, 2009 8:50 AM
@ remm:
easy lang, mag-watermark ka ng mga pictures at image na pinopost mo.
@ reign:
As in nakakaloka.
ewan ko ba kung flaterring, pero more on azar!
@ elay:
indeed!
September 8, 2009 9:23 AM
Mahilig din ako mag-search sa google ng mga gawa kong stories kung may nag-plagiarized ba...
Merong iba na nirere-post mga story ko sa blogs nila at maging sa forums pero with proper citation naman... tipong nakalagay pa rin yung "by: PAULKIAN"
Meron din naman akong natutuklasang iba na Quotes lang ang kinukuha mula sa blog ko... pero hindi na kine-credit kung kanino o saan nila nakuha...tsk! tsk!
Ang sa akin lang ok, lang naman mag-repost ng stoy o ng posts sa blogs, basta ba they should give credit to the original author... at pati na rin sa site kung saan man nila na-copy-paste yun...
September 8, 2009 9:34 AM
@paulkian:
exactly! i know u felt the same way re this.
Hayyy