Pursuing Valentina-hood
Sunday, August 9, 2009
Sa office may kanya-kanya kaming mga young celebs na ginagampanan. At sa dahil chingky ang mga mata ko, ako kaagad si Iwa Moto! Ang voluptuous na "Chinita Charmer" ng Starstruck. At ngayon ay ang pinakabagong Valentina na magpapahirap kay Darna!
Kaninang madaling "A" (read: ey) isang kaibigan ko na matagal kong hindi nakakausap ang biglang nagparamdam para galitin ang kamandag ng ahas ni Valentina.
Natulog ako kaninang determinado sa bago kong motto sa buhay....
Kaninang madaling "A" (read: ey) isang kaibigan ko na matagal kong hindi nakakausap ang biglang nagparamdam para galitin ang kamandag ng ahas ni Valentina.
Natulog ako kaninang determinado sa bago kong motto sa buhay....
"Para saan pa ang mga ahas ni Valentina kung hindi ko gagampanan, isasapuso, papakinabangan at gagamitin?"
Bago ako manood ng "Sagwan" sa PC ko kagabi, the usual nagche-check ako ng mga online accounts.
May nag PM sa Facebook ko, familiar at lumang pangalan.
Si Peter... Nakaka-surprise!
Si Peter na hanggang ngayon ay hindi ko mapaniwalaang hindi tuklaw (read: gay), sa totoo lang. Friend, if ever mabasa mo ito huwag ka magagalit sa akin.
"Kamusta naman ang lovelife mo, sayang ang pagka-perky!!!" Bungad niya.
With all my perky-ness ay sumagot naman ako ng "Hindi ako nagla-lovelife di ba?!? ayoko makipag-commit. Katawan lang ang habol nila sa akin. Hanggang dun na lang yun!" Natatawa kong sabi.
"Pero, wala pa nakakakilala sa Gumamela ko!" Dagdag ko.
Yes friends, sagrado at sarado pa rin ang aking talulot. Hanggang nagyon ay wala pang nakakatuklas.
Nag-reply agad ang loko ng "Hahaha!!!! Pagod na si Kelly Kamay gurl. It's time to use the other parts of your body. Sino ba ang career mo ngayon?"
"Wala nga!" Mabilis kong sagot
Sa totoo lang kahit sa chat lang kami, parang naririnig ko ang mga tawa niya. Yung nakakalokong tawa niya.
Yung mapanlait at nakakainis.
Knowing Peter, may karangalang banggit din ito sa laitan!
"E di Balikan mo si Jim!" Ang walang kagatol-gatol niyang sagot.
Napakagat ako ng labi sabay sabi "Ano naman mapapala ko sa kanya? Hindi naging kami kalimutan mo na ang mga nakita mo dati, wala yun!"
Unti-unti nagbalik sa akin ang gabi namin ni Jim, ang higpit ng yakap niya at madiin na halik habang kami ay lango sa espirito ng alak. Habang ninanakaw namin ang gabi na tinanglawan ng tala at buwan. Yun nga lang naging literal na panakaw at walang major na nagyari.
Pero sadyang kakaiba ang tagpong yun.
Nakaka-miss.
Napakatamis.
Magkakatabi kaming lahat natulog noon pagkatapos mag-inom. Si Peter na kunwaring natutulog ay lihim palang nagmamasid. Wala akong alam akala ko ay tahimik na silang natutulog. Loko.
Dahan-dahan niya pa binulong sa akin yung mga nakita niya ng pauwi kami ng Manila.
Nagtatawa na lang ako, sabay lagay ng hinututuro sa bibig ko. Nangasasabing "Huwag ka na maingay!"
Nakakahiya. Pero deadma na, nag-enjoy naman ako.
Nang mahimasmasan ay agad kong hinanap ang sagot niya.
"Para lang sa nakaraan n'yo!" Ang mapanghamon niyang sagot.
Agad ko ring pinutol ang usapan kay Jim. Pero aaminin ko na curious ako kung ano na siya ngayong after ng matagal naming di pagkikita. Sa natulong ni Peter ay nakita ko si Jimsa FB at waiting na lang ako sa friend request approval.
"Teka, kamusta na kayo ng Jowa mo?" Pag-iiba ko ng usapan.
Nagkaroon ng 3 minutong pagitan
"e2 mending and nursing a broken heart since march" sabi niya. Ramdam ko ang bigat na kasama.
Hindi ko naman alam na wala na pala sila. Limang taon din sila ng babae na yun na kasama nila sa school noong college pa sila. Nauwi rin sila sa wala. Pero friends pa rin ang drama nila ngayon. Baka nga meant sila to be BFF lang. Hahaha
"Okay lang yun, Uso naman yun. May friend nga ako 7 years pa kaka-break lang din." Ang mabilis kong kabig para mapagaan kung ano man maaring nadama niya.
"Ano ka ba okay lang yun, para maalala ko an rin ang feeling ng single" Depensa niya.
Naningkit ang mga mata ko sa nabasa ko, sa isip ko ay "Moved on naman pala ang potah"
Kinunsinte ko na lang siya, "Masaya talaga maging single, always ready to mingle. Pero kakapagod rin"
"Mag-jowa ka na din kasi for a change" Sabi niya.
Hindi ako sumagot. Sindaya kong tagalan. Hindi pa mana ako nakakasagot.....
"Sina Yaz, Grace at Kayci may mga jowa?" Susog niya
Walang pait kong sinagot. "Si Kayci may nabingwit na mestisuhin na cutie pero complicated ang drama. Si Yaz may bf na hoodlum at si Grace steady naman with her BF."
Mapanghamon si Peter at pilit niya akong sinusubok. "Gurl dont you feel na napag-iiwanan ka na?"
Napalunok ako sa mga sinabi niya.
Maintriga at may tinutumbok.
"Bakit mo ba ako pinu-push?" Pagsasalag ko.
"Wala akong makitang para sa akin, kaung nariyan man.Nawawalan ako ng guts! Isa akong dalagang Filipina!" Pagpapatuloy ko.
"Choosy ka kasi!!! Sayang ang perkyness mo" Matalim niyang sabi.
Sa puntong ito nagsimula ng bumilis ang takbo ng puso ko. Nakaramdam na ako na iba na nga ang tutumbukin nitong usapan nito. Naramdaman ko na rin ang malamig na hangin na nagmumula sa aircon at gutom dahil sa usapan na mag-iisang oras na rina ng tinatakbo.
Naaligaga ako sa mga sinabi niya kaya sumagot ako, "Di ako choosy hindi lang ako risk taker sa love or i dont care at all yata ang drama ko!"
"LOL Anu kb kung c Yaz nga eh,e yun naman pala eh bkit kc ndi k maghanap its time to get matters to your own hand ndi n uso ung hintay ng hintay bk kasama mo n c cory eh c kelly kamay pa din pinapakinabngan mo." Pagpatuloy niya.
Hindi ako kaagad na kumibo.
Bigla akong nauhaw. Nakaka-tense parang ang sarap mag-yosi habang nakikipag-usap kay Peter. Lumalabas na ang pasma ko sa kamay. Bumibilis ang pag pagta-type ko.
"Ewan ko ba, insecure lang sirugo ako" Pagbabasag ko sa katahimikan.
"at takot.. I'm a big coward friend kapag may naramdaman na ako. Naglalaho si sasha fierce sa pagkatao ko kapag i started to have feelings." Pagpatuloy ko.
Ayaw paawat si Peter, walang preno niyang sinabing "San ka naman natatakot , anu kb nothing to lose k naman dyan! ok lng masaktan basta nging masaya ka."
Napatahimik ako uli.
Dahan dahan akong nag-type.
"Syett.. sobra ka na friend ha! Gusto tuloy kitang makausp ng harapan. Puntahan na kita!"
Alas -3 na ng umaga at hindi na rin ako kinonsinti ni Peter na puntahan siya. Sa isip isip ko kung makukuha ko lang ang permiso niya malamang kumaripas na ko pa-Timog kahit na sa Manila pa ako manggagaling.
Nagkasya na lang ako sa pakikipag-chat, "I like this conversation ha, para akong si phoenix sa mga ginagawa mo,parang may apoy na ibon na gusto kumawala sa katawan ko!"
"Wag ka nga mag inarts dyan, korek sana man lang ma experience mo ung feeling ng may nakaka appreciate sayo." At nagpatuloy siya sa paghamon sa akin.
Maraming naglaro sa isip ko.
Marami akong gustong itanong.
Marami akong biglaan naiisip.
"Lasing ka ba ngayon?"
"Sa tingin mo ba magiging masaya ako? If ever?"
"Sa tingin mo ba malaki ang chance ng wit at perkyness more than anything else"
"Sa tingin mo ba it'll be happily ever after for me?"
"Sa tingin mo ba malapit na akong may ma-ipakilala sa gumamela?"
"Sa tingin mo ba bakla talga si Piolo?"
Echos. Natatawa ako bigla kong naisip si Piolo.
Napatawa lang din si Peter. Hindi niya sinagot kahit isa sa mga katanungan na yan.
Sadyang magaling mambitin ang hayop.
At dahil sa hindi ko na siya mahintay naisip ko magpatuloy. "Friend sabi nga ng ibang friends ko I'm bound to be single. Hindi nila ko ma-imagine na serious sa isang sulok with a partner. Parang tanggap ko naman kung ganoon nga"
Prangka si Peter kaya hindi ako magtataka sa sabi niya. "So ok na lang syo ang mangolekta ng mangolekta ng friends tapos magtataka ka kung bakit ka single!?!"
Para akong kinurot sa mga sinabi niya.
Para siyang nagpadala ng milyong palaso papunta sa aking ng mga oras na yun.
"Ouch naman."
Matipid kong sagot.
To be continued....
(for the meantime don't forget to watch Darna, 08/10/09 after 24 Oras GMA Telebabad)


August 9, 2009 7:03 PM
ikaw na nga!
August 9, 2009 7:09 PM
Happy to know na habang gumaganda ang mga tagpo sa buhay mo ngayon, gumaganda rin ang pamamaraan mo ng pagsulat :) Magaling!
(teka, kilala ko ba si peter?
August 9, 2009 7:22 PM
bias ka friend! hahaha. thanks anyway.
Si Peter ay kaibigan ni Allen.