Childhood Sweetheart

Tuesday, August 11, 2009

A while ago my neighbor/officemate sat beside me.

Si Paolo....

Kasi kulang sa station so wala siyang choice since I offered the station next to me nang nakita ko syang naghahanap. Para naman siyang batang sumunod sa hiling ko kahit alam ko na gusto nya umupo malapit sa mga kaibigan nya.

He's about 5'5, tan-skinned and may pagka-babyface.

He's cute.....

....like his Kuya.

Yes! Ang kuya niya lang naman ay isa sa mga childhood crushes ko. Kasunod ng pagka-crush ko sa kamukha ni Dingdong Avanzado na nag-abot sa aking ng diploma ng graduation ko ng kindergarten. Pramis! hanggang ngayon nakatago pa rin ang picture namin ni Kuya Dingdong.

Anyway, sinubukan namin mag-usap kada may chance. I guess wala siyang choice kasi nasa end row siya nakaupo.

"So, sa Holy Family ka rin nag-elementary? I missed that school, I wonder kung ano na hitsura ng school ngayon?" Pag-uumpisa ko.

Holy Family ay yung school na malapit sa amin kung saan ako nag-aral, natandaan ko pa nga na ang mga ate namin ay magka-klase. Kung sa kanya ay mga 5 kembot lang nasa Holy Family na sya ako naman may dagdag na 5 back flip at isang malawakang dura bago ako makarating.

Malapit pa rin naman, pero hindi kasing lapit niya.

"Hindi sa Guerrero ako nag-aral, kasi hindi ba teacher si Mama?" Sagot niya.

Ngumiti lang ako, ngiti na may pagsang-ayon. Hindi ko naman kilala nanay niya at lalong wala akong alam na teacher pala yun.

Yun na nga, we started sa usual kamustahan about sa community, about his kuya, ate, mga eksena pag papasok niya ng alas-dos, rest day niya at kung ano-ano pa. Ito na ang way to dig deeper. For MCMF (More Chikka More Fun) goal.

All the while, hindi ako makatingin sa kanya habang nakikipag-usap dahil naka-slight make up ako dahil ngayon araw ay Valentina nga ang portrayal ko with matching turban sa ulo.

Halos 2 oras na kami nag-uusap bago ko nakuha ang lakas na loob na harapin siya at tignan siya ng diretso. "Huwag mo ako isusumbong sa nanay ko kungdi yari ka sa akin" pagbabanta ko.

Nagtatawa lang siya. Yung tawang may pagbabasa ng labi.

Namula daw naman ako kahit na naka todo tan shimmering ang mukha ko.

Nagpatuloy ang kwentuhan. Inalam niya kung ilan aso namin, kung sa akin ba yung kwarto sa harap ng bahay at kung ano-ano pa na may kinalaman sa bahay.

May balak kaya siyang nakawan kami? Huwag naman sana. Char!

Sinagot ko rin naman kung saan ang mga aso nakalagay at kung ilan ito pati pangalan binigay ko na at lalo na kung san ako natutulog. Syempre kelangan alam niya kung ano ang bintanang babatuhin niya kapag naisipan nya na akong ligawan ng panakaw. O di naman kaya ay alam niya kung saan ako pupuntahan kapag yayain niya na ako magtanan. Echos!

Sa totoo lang hindi ako mapakali kanina at lakad ako ng lakad. Tinatamad kasi ako, kaya ang lagi kong ginagawa ay makipagchismisan at mangapitbahay.

Pagkabalik ko sa upuan ko napasabi ako ng "Ano ba yan, napaka unproductive ko ngayon." Thinking aloud ito.

"Syempre katabi mo ako!" Sabay ngiti ng may pagkapilyo.

Nagulat ako. Flirt ito? Okay I get it. I'll give in.

Patulan.

Simula nun, I introduced him as my childhood sweetheart to everyone that I know that passes our area. Ngumingisi-ngisi lang siya. Parang may pagkunsinte.

So game nga.

"Bluetooth mo nga ako ng picture mo may nanghihingi." Pakiusap ko.

Kumunot ang noo niya. "Sino naman nanghihingi?"

"Basta" Matipid kong sagot.

"Sino nga?" Usisa nya.

Kahit isa naman sa kaibigan ko ang nanghihingi ay inako ko na lang.

"Ako nga no! Penge na yung pinaka-best." na slight tumaas at numipis ang bose, may halong pagpapacute..

Agad naman niya kinuha ang phone nya at naghanap ng picture, tatango-tango.

"Wala ako best dito eh, teka...." Habang patuloy siya na naghahanap.

Matapos ang ilan hanapan at pressure , sa wakas ay nag-bluetooth na s'ya. May kasamang babae na ka-batch niya. Matapso nu, tinignan nya kung ano ang ginagawa ko after ko makuha ang picture niya. Inalis ko lang naman yung babae sa tabi niya, care ko naman sa kanya. Gulat ko at nagustuhan niya rin naman at agad siyang nagpa-bluetooth pabalik sa kanya.


Nagpatuloy ang chikahan namin basta may chance. Casual talk and getting to know each other moment ito in which na-enjoy ko naman. That kept me awake the rest of the night. Tamad na tamad ako pero ganado ako at game sa tanungan portion namin.

Digging deeper ang drama, more personal. But i'm keeping a limit.

There are questions I'm itching to ask til now but I didn't, baka ma-offend ko pa siya. Until now I still wanna ask him this question sana. I don't know if I can in the future. I have a feeling kasi eh.

Baka kasi ganoon na nga since may naamoy akong kakaiba.

Is he GAY kaya? Hope not.



P.S.

Naisip ko rin itanong yung number niya pero nagpigil ako. Marami pa namang next time.


AddThis Social Bookmark Button


9 Chikading chikading may chumichikang bading...: to “ Childhood Sweetheart

Related Posts with Thumbnails
 

Design by Amanda @ Blogger Buster