Sa Norte  

Saturday, June 13, 2009




Ang araw sisikat sa Silangan.
sa Norte ito'y mananahan.
Kasama ng payapang karagatan,
at makapigil hiningang kagandahan.

Nawa'y ako ay iyong kupkupin
at hayaan humimlay ng kagyat.
Kanlungin mo ang pananabik
Nawa'y makaraos ng labis sa sukat.

Oh haring araw, dinggin ang usal ko
Halikan mo ko hanggang sa lumigaya,
Sa nakakapaso mong init ako ay halayin
sa alindog mo ako ay iyong baliwin.

Oh alon ako ay iyong aliwin,
bingihin mo ako ng malamyos na ingay.
At sa mga kaway mo ako'y linlangin.
Di ka mabibigo at sa kanti mo'y bibigay.

Oh lupa ako ay yakapin,
ang kaibuturan ko'y damhin.
Sa piling mo'y mapagpakasasa,
Nang mapawi yaring pagnanasa.

Sa Norte ako'y magiging malaya.
Sa lugar na pwede kang tumawa't lumuha.
Sa Norte ako'y magpapsamantala,
Sa piling ng mapag-angking araw, alon at lupa.



*Pangako kong pipigilang kong sumayaw ng "Jai Ho" sa Norte.

Photo Credit : Kitchengod

AddThis Social Bookmark Button

Email this post


2 Ano daw ang sabi?: to “ Sa Norte

Kahali-halina, nag-iisa....

Kahali-halina, nag-iisa....
 

Design by Amanda @ Blogger Buster