First Time  

Monday, February 8, 2010



Napanood mo na ba ito sa TV?

Tawagin mo na akong bakya, pero aaminin kong kinikilig ako tuwing nakikita ko ang trailer na ito! Napaka-natural lang, lalo na yung batang babae na si Barbie Fonteza, kuhang kuha niya para sa akin yung kilig at kakirehan ng isang dalagitang nag-uumpisang umibig. Damang dama ko siya at yung love triangle nila kahit commercial pa lang. Excited nga ako at talagang tututukan ko itong serye na ito! Pramis.

Aaminin ko na rin na nung una akong nagka-crush dinasal at pinangarap kong makita palagi ang nagpapatibok ng puso ko. Parang unang sulyap pa lang niya sa'yo kahit sa flag ceremony pa lang, solb na ako! Yung tipong pwede na ako umuwi dahil ang makita lang siya at magpapansin ang goal ko kada araw. Hindi lang yun may extra kaba at kilig moments tuwing lumalapit siya sa akin. Kapag nakita mo siyang kumakain sa recess, nabubusog ka na rin at napupuno ang puso mo kapag nakikita mo siyang masaya at tumatawa. Kahit tamad ako pumasok sa eskwela may kung anong lakas na biglang tumama sa akin para pumasok, gawin ang assignment at magpasikat sa klase.

Feeling ko tuloy kung ako si Barbie, mas mabibigyan ko ng justice ang role dahil marami akong paghuhugutan ng emosyon at experience. Hindi hamak na mas kirengkeng ako! Aaminin ko na rin na cute na cute ako sa Joshua Dionisio na yan! Kapag lumaki yan for sure mas yummy!

Anyway, dahil sa tagline "Love hurts the most, the first time you fall", at sa mga eksena sa trailer. Naisip ko yung first time kong umibig at nasaktan, yung mga "firsts" ko na hindi ko malilimutan. Yung mga firsts na hanggang ngayon ay dala dala ko at malinaw sa isip ko.

Una akong nagkacrush sa nagbibigay sa aking ng "diploma" noong kinder ako. Walang halong keme, pero tinago ko talaga ung picture namin habang inaabot nya sa aking yung coupon bond na nakabilot. Hindi ako mapakali noon kapag hindi ko nakikita ang picture niya, kamukha niya si Dingdong Avanzado. Lumaki akong nangarap na siya ang larawan ng leading man para sa akin. Hanggang ngayon nasa akin ang picture niya.

First time ko naman umiyak sa babae noong 7 years old ako. Noong umalis yung katabing bahay namin na si Grace at lumipat sa QC. Ewan ko ba sa sobrang lungkot ko noong umalis sila, naiyak na lang ako noon ng mapakinggan ko yun "heaven knows" na kanta, yung iyak ng pagka-miss at lungkot. Nakakdiri man pero humihikbi talaga ako noon. Lately hinananp ko siya sa friendster at nakita ko naman siya, mukhang may asawa na at confirmed mas maganda ako sa kanya at fresh!

Hindi ko malilimutan yung first time kong napahiya sa klase dahil nag-poop ako sa shorts ko. Natatakot kasi ako Mrs. Dialino dahil ayaw niyang lagi kaming nag "may i go out" palagi. Sa takot ko, tiniis ko na lang. Nang hindi ko na makaya, tumayo ako at tumakbo ako sa CR bago pa naman ako makarating sa pinto ay nag-hello na rin ang inaasahan. To the rescue ang pinsan ko dahil noong mga panahon na yun hindi pa ako marunong maghugas!

Simula noon, pinilit ko magbawas bago pumasok sa murang edad na sais.

First time kong mag major magsinungaling sa mga kamag-anakan at nanay ko rin noong mga taon na tio. Active yung pinsan ko sa Baranggay so ang mga nagawang banderitas para sa fiesta ay inilalagay nila sa bakanteng lote namin sa bahay. Napagtripan kong sunugin at nagtagumpay naman ako, walang natira! Sa sobrang tagumpay ko halos masunog na rin ang banyo namin. Naloka ang mga tao sa bahay pati na rin ako. Hindi ko naman in-expect na ganun kabongga ang magiging apoy nun. Nang kinompronta ako, buong ningning kong itinanggi ang kanilang akusasyon with matching tingin ng straight sa mga mata nila. Alam nila ang mga bata ay hindi nagsisinungaling kaya naman na-abswelto ako.

Natuklasan ko ang reverse psychology sa murang edad na syete.

Grade One ko rin nalaman ang salitang "lindol". First time ko ring makaranas nito. Natatandaan ko na aliw na aliw pa ako sa paggalaw ng kanal sa tabi ng classroom namin noon. Hindi ko alam na lindol pala ang tawag dun, agad kaming pinalabas ng mga teacher ng building. Isang linggo rin akong balisa.

Noong first time ako nag-guidance grade five na yata ako. Yung kinukulit ko yung weird kong classmate na si Carlo at kinakalabit ko siya palagi. Kapag nililingon niya ako nagkukunwari akong hindi ako yung may gawa. Sa ikatlong beses na kinalabit ko siya, sinuntok niya na lang yung isa kong classmate sa tabi ko sa pag-aakala niyang siya yung nagungulit sa kanya. Naloka yung teacher ko at di nagtagal nalaman na rin nilang ako ang may gawa. Dahil d'yan bring mother ako!

First time kong ma-bring mother!

Grade one rin ako ng una kong nalasap ang importansya ng pagiging honor sa klase, kapag every quarter kahit saan man ako pumwesto sa Top Ten automatic na lalabas kami ng nanay ko, lagi kong request Jollibee, nang nagkatrabaho na ako gusto ko na isuka ang pagkain sa Jollibee.

Yung una kong napanood yung Magandang Gabi Bayan na Halloween Edition, nagtapang tapangan ako sa mga kaibigan kong kasama kong nanonood. Ilang araw din akong balisa sa pagtulog at hindi ako pumupunta sa madilim na bahagi sa bahay. Ilang araw akong hindi pinatulog ng mga nakita kong paulit ulit sa isip ko lalo na bago matulog.

Sa murang edad natuto na akong magtago kapag MGB Halloween Special na, yun din kasi yung pianapanood sa bahay at ng mga kapitbahay namin. Wala akong choice kungdi maupo sa labas ng bahay namin sa bangketa maghintay ng oras wag lang makapanood ng punyetang palabas na yun.

Noong first time kong mag camping, hindi ko natapos program. Para kasing pang-preso ang pagkain, nagkasakit ako sa ikalawang araw kasi hindi ako kumakain. First time ko rin ma-expose sa mga nagbibinatang lalaki, ang lilibog! Room mate kong mga grade six sabay sabay sa pagjejerk habang tinitgnan yung baraha nilang may hubad na babae. Pati mga chips ko sa bag ko tinira nila, buti na lang umuwi na ako kaagad baka naman ako ang maisipan nilang sunod tirahin kung nagkataon!

First kong iniyakan na movie ay ung E.T na movie, super na-touch ako sa story. First kong nasaulong kanta naman ay ang "nakapagtataka" ni Rachel Alejandro.

First time naming matulog ng ate ko sa bahay na kami lang ay 3 years old ako. Natatandaan ko ito, kasi takot na takot kami. Yung nanay ko nakunan sa bunso namin at yung tatay ko kasama niya.

Noong una akong na-involve sa fist fight natalo ako! Hindi naman kasi ako basag ulo talaga. To the rescue naman yung pinsan ko ng nakita niyang nasaktan na ako. Ending sinabon kami ng mga Nanay namin. Ang pinag-awayan namin "Jack Stone" yes beki rin ang kasuntukan ko! Miss ko na rin si Bakla!

Kapag first time kong sinuot yung sapatos, dinudumihan ko agad. Ayoko kasing pinapansin ng classmates ko. Nakakinis.

Ayoko ng mga first time isuot na damit kapag pasko. Nakakainis rin.

Noong 1st year high school ako, first time ko ma-expose sa malaking population. Nag-public high school ako dahil maraming isyu sa mga Catholic School dahil civil marriage lang yung sa parents ko. From 1 section noong elementary to 36 sections, 1st year pa lang yan. Nahiya akong mag-out. first quarter ng school year, one of the boys ako. 2nd quarter hindi ko na na-carry, nag-out na rin ako! Dahil d'yan change din ako ng friendships, syempre yung mga badettes and gelays.

Yung first love ko naman ay post high school na, nakilala ko na siya college na ako pero through HS friends. Nag-start na shoulder to cry on dahil nga naman binasted siya ng friend ko. Siyempre bakla lang, ako ang naging tagasalo, taga-comfort, taga-aliw at kung ano-ano pa. Nagpatuloy ang lahat sa walang katapusang usapan sa telepono, pagkikita, landian, at out of towns. Yung parang mag-barkadang may malisya. Hanggang sa naging araw araw yung tawag niya sa akin, mga 230 ng madaling araw, at kahit may pasok ako at mapuyat puyat bigla wala akong pakialam. Isang gabi bago siya magpunta sa Zambales at nagpaalam tinanong niya ako kung ano ba daw yung feelings ko sa kanya, ang akin lang obivous yung sagot bakit kailangan itanong. Kaya naman buong ka-sarkastikuhan kong sinagot na "You're just my friend just like everyone else", sinagot niya ako ng "Ganun" sabay hang-up siya. Katulad ng inaasahan nag-stop ang tawagan at communication. Naibalik namin ang friendship almost a year after pero hindi na mainit ang loveteam namin kung baga, so nag-stop na rin ako.

First time kong umiyak yun ng sobra, sising sisi ako. Yung unan nga isinasapal ko sa bibig ko dahil ayokong may makarinig sa akin sa bahay. Yun pala yung tinutukoy ng "Pers Lab" na kanta ni Vina Morales.

Yung gabi rin yun ng tinanong niya ako, first time ko nag-doobie. Ang saya pala ng feeling nun parang wala lang. Para nga lang nakalutang yung puwet ko sa pagkakaupo at umuwi akong nakangiti. Literal na nakangiti. Noong natapos ko siyang kausapin natauhan naman ako.

Hindi po ako adik, na-curious lang ako sa MJ.

First time kong nagka-personal computer noong college, naputol din yung telepono namin for good bago namin nabili yun! Wala rin naganap na internet. Buset!

First time na na-starstruck ako kay Iwa Moto, hindi ko talaga napigilang magpaka-cheap at todo nagpapicture ako sa Mall.

First time kong nakipagdate sa total stranger ay college na rin ako. Textmates kami, hindi ko na alam kung paano. Maputi siya, matangkad at guwapo. Kahawig siya ni Dingdong noong Encantadia days. Hindi ko na matandaan name niya ang alam kong tawag ko sa kanya ay Ybarro (name ni DD sa Encantadia). So yung date, it was typical, movie date with matching sharing of super big popcorn at 1 extra big soda lang. With matching tinginan, ngitian at rubbing of elbows. Tapos ng movie konting chikahan while walking. Niyaya niya ako sa bahay namin kasi na-kwento kong walang tao. Nagreason out na lang ako at umuwi, na-stress ako sa gusto niya mangyari!

Dahil dun nireto ko siya sa friend kong makati, at yun na nga at nagkasubukan sila ng kakatihan! Mula noon hindi ko na siya tinext.

Yung first kiss naman the best, parang hello napghandaan ko to sa dami ba naman ng napanood kong naglalaplapan sa movie at M2M. Napagaralan ko na yan kahit paano. Hindi kami magkakilala talaga, nagkita lang kami sa isang party, nagkakwentuhan at nagkaplagayan ng loob. At dahil sa kalasingan, mas uminit ang gabi. Matamis nga ang unang halik katulad ng sabi-sabi! Hahaha.

Yung first time nagbuntis yung ate ko, unexpected. Nalaman ko na lang yung balita thru text ng kamag-anak habang nasa jeep ako going home. Literal na tumutulo yung luha ko sa jeep, kahit pa piangtitinginan lang ako ng mga chismosang pasahero. Sobrang na disappoint yung feeling ko noon.

Sa jeep din ako unang na-eskandalo. Nasuntok ako ng isang construction worker dahil tawa kami ng tawa ng kaibigan kong magaling mamuna sa mga pasahero sa jeep. Pinagtatawanan kasi namin yung katabing panot ng driver sa harap, parang panot ng mga kastilang prayle sa mga Gospel comics, so pagsakay ni kuya dahil nakakatakot siya medyo pigil yung tawa namin. Akala niya siguro siya yung pinagtatawanan at kinabog niya kami. Umuwi akong tulala.

First time kong nabagansya college din ako. Napagkamalan kaming callboy ng friend ko sa Malvar. Doon kasi kami nag-abang ng masasakyan papauwi from a party sa Malate. Ang laking takot ko sa selda, ang baho, ang sikip tapos may mga nakakatakot pang nakabilanggo. Nang pumasok ako naapakan ko yung isang nakakulong, sa takot ko ibinigay ko sa kanya yung pera ko sa bulsa sabay sabing "ito pangmeryenda mo". halos tawagin ko lahat ng koneksyon ko ng mga oras na yun kahit pa alas 3 ng umaga. Nakakahiya. Gusto lang pala kaming perahan ng mga pulis na yun, kaya walang epekto ang pagpakita namin ng ID na estudyante kami. Nang inabot namin yung pera pinauwi na rin kami, wala pang isang oras sa police station.

Noong first time akong mahulihan ng pornographic CD, nakita ko na lang sa lamesa sa sala kinabukasan. Hiyang-hiya ako. Ganun din ginawa ng nanay ko sa lighter at sigarilyong nahuli niya sa akin noon.

Noong first time kong naholdup tinutukan ako ng malarambong patalim sa Divisoria area, um-attend ako ng birthday. Nilimas yung gamit ko, buti na lang naitago ko ung 3310 ko sa brief ko at may 40 pesos na naiwan sa bulsa ko. Nakapag pedicab pa ako pabalik sa bahay ng celebrant. Simula noon, paranoid na ako sa mga tao sa paligid lalo na yung mga kahina hinala sa Jeep.

First and last time kong nag gay bay, sa whitebird. In fairness, ang babagets ng boys dun! Dahil kasama ko ang mama-mamahan ko, na-brief ako ng mahusay. Huwag daw humawak ng hindi mametrohan, sinunod ko naman. Pagkatapos nun nag pig out kami, kakagutom rin kasi yung mga nakita namin. May take home pa akong calendar mula sa gaybar na yun. Panalo!

First time kong manood ng sine "Step Up 2" ung palabas, buti na lang member pa ako ng Gold's Gym Glorietta nun, yung mga daladala kong nashopping nailagay ko sa locker. Nanood ako bago mag gym. I did it for the heck of knowing how it feels manood ng sine mag-isa. Surprisingly, nakaka-enjoy din!

Kapag sumasakay ako ng bangka at airplane, ako yung taong laging nag-iisip na may mangyayari masama. Just last year, naiwanan ako ng plane na na-book ko. Nauna na yung kasabay ko, I had no choice but to re-book another flight and fly alone. Halos mabasa yung tsinelas ko sa sobrang kaba ko. In fairness, nalagpasan ko yun. Nagputik nga lang nga yung paa ko sa nerbiyos.

First time may nagsabi ng "I love you" sa akin, lumuha talaga ako. Hindi ko kasi alam yung isasagot ko, alam mo yung gustong gusto mo siya pero hindi pwedeng maging kayo dahil maraming forces na di sang-ayon sa sitwasyon. Yun na yata yung first time na nabaliw ako sa pag-ibig. Aminin na natin, sa isang tulad ko minsan sa isang lifetime lang darating ang straight na magsasabi ng mga katagang yan sa'yo. Lalo na siguro yung straight na handang aminin ang lahat sa mga nakakakilala sa inyo. Lakas maka-babae!

Kung hinahanap mo yung first sexual encounter ko, wala pa akong mailalagay. Wala pang nakakakilala sa Gumamela ko! Siguro this year. Abangan!

For now enough muna ito at dahil 5:30 na, "First Time" na. Nood kayo at kiligin! Hehehe







AddThis Social Bookmark Button

Email this post


Today.....  

Tuesday, February 2, 2010

I just saw the movie Julie & Julia, and I was left very inspired. Not with French food cooking but with writing my thoughts again. It has never been this long that I'm on a blog-hiatus, not that I don't have something interesting to share but it's because I got too busy with reunions - and let's say I'm busy dealing with my personal "issues".

Reunions and happenings.

I've grown to be the most congenial in my group now I guess, which is very far from being a "bully" way back high school days. I swear the last thing that I wanna do back then is to sit down in an "Open forum", because I know everyone has an issue with me being upfront, straight forward and tactless. I am not really sure if all of us just grew up and has become more matured now or I became careful on the things that I do. Well, I guess it doesn't matter now anymore.

I've grown up to be one of the most loved, to be the life of parties and gatherings (modesty aside) which is far from me being deviant during my younger years. I suddenly become the center (if not, the most noticed) of the parties maybe because I'm loud, because I'm funny, and because I curse someone who'll not attend. It might be the reason as to why I head almost all of the reunions we plan. Maybe because I have this power to bring people together (someone told me that, echusera gusto n'ya lang akong gamitin. lol) and make a reunion possible.


With work and priorities in life.

I am convinced that where I am right now shouldn't be the same place that I needed to be come the end of the first quarter. I am busy working my papers to be out of this country as soon as possible.

I've processed my NBI clearance and passport application alone. There's something in me that really enjoys whenever I'm in a pool of strangers. I find satisfaction doing things alone - in figuring things out by myself, in finishing what I've started without someone behind me. I enjoyed it as much as I love doing shopping alone and the satisfaction and thrill I can get of watching a flick in a movie house alone. I love asking people that I don't know with directions or sharing plain stories with a person next/in front of you in a line waiting for our turn.

With what to write.

Admittedly, this website kept me sane for the last year, after losing the chance of being promoted. This blog helped me to move on and continue with my queer life. This page opened my soul to everyone, not only it helped me to express my thoughts and frustrations but also it allowed me to share those funny and jologs stories I have in mind.

Writing an entry, serious or funny is like a breath of fresh air whenever I feel bored or suffocated with everyday routinary activities. It serve as an outlet to break the monotonous life I'm living for roughly five years now.

Few days back, I tried several times to make an entry but I had to stop because I'm not happy with what I'm doing. Believe me I have a hundred of stories to share ever since then but I can't seem to put it all here because I'm not in my best element.

My planner and I.

Yes! Italk to my planner now.

Not in my 27 (I just turned 27 last Friday) years of existence never had I imagine to be a diary freak. Well, I am now. I got my 5th planner from Starbucks this year and I promised myself that this time I'll get it inked. Not that I have a handful of things to plan of but it's just for me to follow my deadlines and goals especially now that I'm gonna try my luck alone -offshore.

Midlife crisis.

I'm over this. I know.

I remember I said before, " I hate the thought of aging ever since I turned 21." Much more when I turned 26. Seeing some of my friends having a job that they like and at the same time seeing them starting a family of their own made me frustrated. It's like that time I've thought of, what if I'm like them, if I'm "hetero"? What if I'm like them, would that make me happier?

During last year, I've fought my insecurities. I've taught my myself to be contented of what I have and appreciate what I'm capable of doing. I learned how to be happy with someone's happiness and to pick up the pieces whenever I fall and start anew again. I learned how to let go of those things I can't have and most importantly I have learned to enjoy things that I can have.

I know better in my life now. I can say.

Same time last year, it was hard for me to admit that I'm getting older. Today it's different, I have no regrets of what I have become and what I was years ago. What I know right now is I'll have no qualms to face whatever is in store for me in the future. I learned that getting old gives me a chance to live my everyday life with a better and wiser me.


***oo0oo***

I want to thank those who dropped me a birthday greeting through Email, SMS, Friendster, Multiply, Facebook and who greeted me personally and for the presents.

If only birthday greeting is as good as 1 grand, I'm literally rich right now.

Thanks for showering me love. Hugs to everyone!


AddThis Social Bookmark Button

Email this post


Kahali-halina, nag-iisa....

Kahali-halina, nag-iisa....
 

Design by Amanda @ Blogger Buster